KATITIKAN NG PULONG
Ano ang katitikan ng pulong?
Ang katitikan ng pulong ay ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng tagapangulo ng lupon na maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte - maaaring maikli at tuwiran o detalyado. Bago pa tayo mag patuloy atin munang alamin kung ano ang ibig sabihin ng pulong. Ang pulong o mas kilala sa tawag na miting ay ang pagtitipon-tipon ng mga tao na karaniwan ay kasapi sa isang grupo o samahan na may itinataguyod na layunin. Ang pagpupulong ay karaniwang ginagawa sa mga paaralan, opisina at iba pang estblisyemento. Ang katitikan ng pulong ay naglalaman ng mga bagay at paksang pinag-usapan sa pagpupulong. Nakasulat dito ang mga mahahalagang punto na dapat gawin ng mga naatasang miyembro patin na rin ang iba pang plano ng grupo sa hinaharap. Ang katitikan ay importating ma preserba dahil ito ay isang dokumentong pambabasihan sa hinaharap at nakalipas na pagpupulong.
Mga kahalagahan ng katitikan:
- Naipapaalam kaagad sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong kong ano ang napagusapan.
- Nagsisilbing gabay sa mga dumalo upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-usapan o nangyari sa pulong.
- Ito ay mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon na maaaring magamit sa hinaharap.
- Ito ay magiging o poeding hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong para mag karoon ng ideya kong papaano ipresenta ang katitikan.
- Ito ay isang batayan ng kagalingan ng indibidwal na gumagawa ng katitikan sa pulong o pagtitipon.
Mga importanteng bagay o gabay sa pagsusulat ng katitikan:
Bago ang Pulong
- Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
-Ihanda ang sarili bilang tagatala. Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pulong. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder.
-Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa
Habang nagpupulong
-Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon. Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng kalahok Repasuhin o suriin ng maigi ang isinulat na katitikan para maiwasan ang maling impormasyon o mga detalye.
Ang mga sumusunod ay mga mahalagang bagay na nakatala sa katitikan:
- Oras
- Petsa
- Paksa
- Lugar o pook na pinagdarausan pulong o pagtitipon
- Mga importanteng tao na dumalo at hindi dumalo.
- Oras kung kailan magsimula ang pulong o pagtitipon
- Oras nang pagtatapos ng pulong o pagtitipon.
Comments
Post a Comment