Replektibong Sanaysay
Layunin ng Replektibong Sanaysay:
Nais iparating ng replektibong sanaysay ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian
Ang terminong Repleksyon ay nangangahulugan ng pagbabalik tanaw. Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa. Ang Replektibong Sanaysay ay angangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isa itong masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
Mga Konsiderasyon sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay:
- Naglalahad ng interpretasyon.
- Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin.
- Pagandahin ang panimulang bahagi.
- Nagtatalakay ng ibat-ibang aspeto ng karanasan.
- Ang konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay.
- Ang malinaw at direktang punto de vista ay mabisa upang makuha agad ng mambabasa ang kaniyang ideya.
- Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon.
Mga Halimbawa ng Literaturang Replektibong Sanaysay:
- Proposal
- Konseptong papel
- Editorial
- Sanaysay
- Talumpati
Comments
Post a Comment