Sintesis
ANO ANG SINTESIS?
Ang sintesis ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay para mabigyan ng buod an mga maiklling kwento, mahabang akademikong sulatin at / o kaya naman iba pang tuluyan o prosa. Isang ebalwasyon o pagsusuri ang sintesis. Inaanalisa’t sinusuri nito ang ebidensya ng isang partikular na paksa na ginamit upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran. Isa itong pamamaraan kung saan ang isang manunulat, akda, at / o tagapagsalita ay sinasabi ang mga orihinal na teksto sa mas buod at mas maikling paliwanag pero dapat ay sa kumpleto at detalyadong paraan. Ang pagbubuod o pagsusulat ng isang sintesis ay di lamang pagpuputol-putol ng mga pangyayari o hindi lamang basta-bastang pagbabanghay. Ito ay dapat mas malikhaing paraan kung saan ang mga pinaka-importanteng bahagi ay naibabahagi sa sintesis sa pamamagitan ng iba pang mga pahayag, salita o mga kataga. Ang mga impormasyon at detalye sa sintesis ay matagumpay na naipapasa at naipapahayag kahit hindi kasing haba ng orihinal na teksto ang pagbubuod na gagawin.
HALIMBAWA NG SISTESIS:
Ayon kay Santos (2020), ang social media ay nagiging pangunahing plataporma ng komunikasyon ng mga kabataan sa kasalukuyan. Samantala, binigyang-diin ni Reyes (2019) na ito rin ay may negatibong epekto gaya ng pagkakabawas sa produktibidad at pagkakaroon ng depresyon. Ipinapakita rin sa pag-aaral ni Dela Cruz (2021) na may mga kabataan na nagiging socially anxious dahil sa pressure ng online validation. Sa kabuuan, habang nakatutulong ang social media sa konektado at modernong komunikasyon, kinakailangan ang tamang gabay upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa mental na kalusugan at gawi ng kabataan.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS:
-
Basahin at unawain ang mga sanggunian o teksto.
-
Tukuyin ang mga pangunahing ideya sa bawat sanggunian.
-
Ihambing o iugnay ang mga ideyang magkakatulad at magkakaiba.
-
Bumuo ng sariling pananaw o posisyon base sa mga sanggunian.
-
Isulat ang sintesis gamit ang malinaw na estruktura:
-
Panimula: Introduksyon sa paksa at layunin.
-
Katawan: Pagsasama-sama ng mga ideya mula sa sanggunian.
-
Wakas: Buod at sariling pagsusuri o paninindigan.
-
-
I-edit at i-proofread ang gawa.
MGA TIPS SA PAGSULAT NG SINTESIS:
-
Gumamit ng transitional devices (hal. samantala, gayundin, sa kabilang banda) para sa maayos na daloy.
-
Siguraduhing may malinaw kang layunin at hindi lamang basta buod ng mga teksto.
-
Gamitin ang sariling wika sa pagsasaayos ng ideya, huwag basta kopya.
-
Iwasan ang bias – i-presenta ang impormasyon nang patas.
Comments
Post a Comment